Naningil ng pautang, kinatay

CAMARINES NORTE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 41-anyos na lalaki makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay dahil sa paniningil ng pautang kamakalawa ng gabi sa Barangay Salingogon, bayan ng Minalabac, Camarines Sur. Sa police report na nakara­ting sa Camarines Sur Provincial Police Office, lumiltaw na sinugod ng biktimang si Victor Norada ang bahay ang suspek na si Rodel Encina sa Sitio Ricodo para singilin ito sa pagkakautang na may ilang buwan na ang nakalipas. Sumiklab ang mainitang pagtatalo ng dalawa hanggang sa hamunin ng suntukan ng biktima ang kapitbahay na suspek. Dahil sa kahihiyan inabot sa mga kapitbahay ay pinagtataga ng suspek ang biktima na sinasabing lango sa alak. Kasalukuyang pinagha­hanap ng pulisya ang suspek.

 

Show comments