Kinalasan ng ka-live-in, nagbigti

NORTH COTABATO, Philippines  - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 30-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng kanyang ka-live-in makaraang magbigti sa inuukupahang bahay sa Barangay Poblacion, bayan ng Antipas, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP, huling namataang buhay si Noel Salamanca na lango sa alak noong Martes ng gabi matapos na iwanan ng kanyang ka-live-in na si Jen-jen ng Malaybalay, Bukidnon. Gayon pa man, walang kaalam-alam ang kapatid na si William na magpapakamatay ang biktima nang makitang nakabitin na ang kanyang utol sa kuwarto.

 

Show comments