Cagayan nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Cagayan kahapon ng umaga. Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa may 14 kilometro ng hilagang kanluran sa bayan ang Calayan, Cagayan. Naramdaman din ang pagyanig sa lakas na intensity 3  sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.Wala namang naiulat na napinsalang ari-arian pero inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks.

 

Show comments