Magkaibigan utas sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Pinabulagta ang magkaibigang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Del Pilar, bayan ng Cabatuan, Isabela kamakalawa.? Kinilala ni P/Chief Insp. Gil Daep, hepe ng Cabatuan PNP ang mga napatay na sina Ryan Guillermo del Prado, 34, dating OFW at Edwin Quilit na kapwa nakatira sa Barangay Sta. Rita sa bayan ng Aurora.? Lumalabas sa imbestigasyon na sinabayan ng tandem ang magkaibigang nakamotorsiklo saka niratrat.? Naisugod naman sa Family Clinic ang mga biktima subalit namatay din dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo.?

 

Show comments