Magsasaka inutas ng kabaro

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 63-anyos na magsasakang barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng kanyang nakaalitan kaugnay sa lupang sinasaka kama­kalawa ng hapon sa Barangay San Miguel, bayan ng Oas, Albay. Hindi na umabot ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang biktimang si Leonilo Cabrera habang pinaghahanap naman ang suspek na si Gabby Copino, magsasaka, at kapwa nakatira sa na­sabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa bakuran ng kanilang bahay nang lapitan at pagbabarilin ng suspek.

Show comments