Marino itinumba ng tandem

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 43-anyos na marino matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen  sa Barangay Lugam, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si John Kent Mangunlay, may asawa at nakatira sa Barangay Dampol sa bayan ng Plaridel, Bulacan. Sa ulat nina PO3 Najurahamm Hawari at PO2 Danilo Torres, pauwi na ang biktimang nagmamaneho ng Honda Civic (WKI-846) nang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins. Nagawa pang umiwas ng biktima kahit sugatan subalit muling pinutukan ng ilang ulit para masigurong patay. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments