Bus vs AUV: 10 sugatan

BULACAN, Philippines - – Sampu-katao ang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang pribadong sasakyan  sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Barangay Tambubong sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Kabilang sa mga biktimang naisugod sa ospital ay sina Gil Dizon, 58; Rafael Tapno, 38; Enrique Infante, 42; Jhoanna Zapanta, 41; Perfecta Galang, 56; Rene Infante, 39; Ricardo Fabian, 36; tatlong di-pa nakilala na pawang nakatira sa Pampanga. Nasa piitan ng pulisya sina Rommel Guevarra, 34, drayber ng Mitsubishi Fuzo XLT type (CNR-312) ng Barangay Lourdes sa bayan ng Minalin, Pampanga; at Marlon Obrero, 40, drayber ng Victory Liner Bus (CXG-891) at nakatira sa Barangay Burgos, bayan ng Cabarroguis, Quirino. Sa ulat ni PO3 Francis Ramos, nahagip ng bus ang sasakyang minamaneho ni Guevarra matapos nitong tangkaing kumaliwa sa highway dahil may nasiraang isa pang sasakyan.

Show comments