2 patay sa sumalpok na jeep sa Antipolo

File photo

MANILA, Philippines – Dalawa ang patay, habang 26 ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong jeep sa pader ng gasolinahan sa lungosd ng Antipolo sa lalawigan ng Rizal ngayong Biyernes.

Nakilala ang mga nasawi na sina Diana Luning at Miguel Poto.

Samantala, 24 sa mga sugatan ay isinugod sa Amang Rodriguez Hospital.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, humaharurot ang jeep na minamaneho ni Arturo Ramirez sa kahabaan ng Marcos Highway na sakop ng Antipolo nang mawalan ito ng kontrol saka sumalpok sa pader.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Ramirez, habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa aksidente.

Show comments