Turistang Aussie, itinumba

CAVITE , Philippines   - Napatay ang isang turistang Australyano makaraang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa bayan ng Maragondon, Cavite kahapon ng umaga. Ang bangkay ng biktimang si Brenton Metken ay natagpuan malapit sa Kaybiang Tunnel sa Barangay Patungan dakong alas -6:30 ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joselito Esquivel, nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang residente mula sa kinaroroonan ng biktima kaya ipinaabot sa mga opisyal ng barangay. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments