Mister sinigawan, nag-suicide

CAMARINES NORTE , Philippines   - Pinaniniwalaang napundi sa paulit-ulit na paninigaw ng misis kaya nagdesisyson ang 38-anyos na mister na mag-suicide makaraang tumalon sa ilog sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong Martes ng hapon. Umabot sa 36-oras bago makuha ang bangkay  ng biktimang si Willy “Boy” Morales, tubong bayan ng Mercedes at naninirahan sa tabi ng ilog sa bahagi ng Barangay 4 sa nasabing bayan. Nabatid na bago magpakamatay ang biktima ay kinompronta siya ng kanyang misis kaugnay sa hinihi­nging P20 na di-naman naibigay ng mister. Nagalit ang misis at binulyawan at sinigawang paulit-ulit ang biktima kung saan ito napundi. Gayon pa man, lumayo ang biktima at tinungo ang tulay saka tumalon upang salubungin si kamatayan.

 

Show comments