3 holdaper/karnaper, arestado

BULACAN, Philippines - – Kalaboso ang tatlong miyembro ng notoryus na hold-up/carnapping group makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay San Juan, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan  ang mga suspek na sina Marlon Santiago, 29, ng Brgy. Pambuan, Gapan, Nueva Ecija; Joan Dizon, 20, ng Brgy. Pandacaqui, Mexico, Pampanga, ka-live-in ni Santiago; at si Edwin “Balat” Fernandez, 44, ng Brgy. Sapang Putol, San Ildefonso, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Angel Garcillano, narekober sa loob ng bahay ng mga suspek ang cal.45 pistol, mga bala, granada, balisong, athletic uniform, bullcap ng PNP, 6-cellpones, traysikel at motorsiklo na sinasabing sinikwat ng grupo. Nabatid na pinakahu­ling biktima ng tatlo ay si Rommel Basa ng San Leonardo, Nueva Ecija na sinasabing ninakawan ng malaking halaga at cellphone sa Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.

Show comments