3 motorbike thieves, kalaboso

NORTH COTABATO , Philippines   - Arestado ang tatlong notoryus na motorbike thieves makaraang masamsaman  ng mga baril, granada at motorsiklo sa bahagi ng Mantawil Street sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Sabado ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP, kinilala ang mga suspek na sina Norhamen Sandatu, 19; Abuhamen Katog, 23, kapwa nakatira sa Barangay Kibayao, bayan ng Carmen, North Cotabato; at si Kalid Alon, 30, ng Barangay Poblacion, Kabacan. Nasakote ang mga suspek habang nagpapatupad ng anti-carnapping campaign ang pulisya kung saan walang kaukulang papeles ang ginamit na motorsiklo na pinaniniwalaang ninakaw. Nasamsam sa mga suspek ang cal. 9mm pistol, cal.45 pistol, mga bala, granada at motorsiklo.

 

Show comments