Tindera ng shabu, arestado

CAMARINES NORTE, Philippines -  Rehas na bakal ang binagsakan ng 32-anyos na tindera ng bigas matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa  Barangay Peñafrancia, Naga City, Camarines Sur kamaka­lawa. Pormal na kinasuhan ni PO2 Dexter Ciello ang suspek na si Farrah Diamaoden at nasamsam ang isang plastic sachet ng shabu, P500 mark money na ginamit sa ope­rasyon, at isang cell phone. Nabatid na may isang linggong minatyagan ng pulisya ang ikinikilos ng suspek sa kanyang tindahan ng bigas na ginagawang tindahan din ng shabu. Nang makumpirma ang modus operandi ng suspek ay inilatag ang buy-bust operation ng pulisya.

Show comments