Trike vs bike: Trader patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nakipag-unahang salubungin si Kamatayan ng 25-anyos na negosyante matapos itong tumilapon sa kanyang motorsiklong nasagi ng traysikel na nakipagkarera kamakalawa sa kahabaan ng highway sa Barangay Silauan Norte, bayan ng Echague, Isabela. Kinilala ni P/Chief Insp. Melchor Ariola, hepe ng Echague PNP ang biktima na si Samuel Santos ng Barangay Calaocan sa bayan ng Alicia.? Lumalabas sa imbestigasyon na nakipagkarera ang biktima sa kasabay na traysikel ni Jovie Carabbacan, 45, ng Libertad, Echague. Gayon pa man, hindi nakalkula ng dalawa ang distansiya sa isa’t isa kaya nahagip sa tagiliran ng traysikel si Santos kung saan tumilapon ito sa kalsada.? Basag ang bungo at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima habang sumuko sa mga pulisya ang driver ng trike.

 

Show comments