4 mangingisdang Pinoy iniligtas ng Chinese ship sa Palawan

MANILA, Philippines – Sa kabila nang gusot sa pagitan ng dalawang bansa, sinagip ng isang Chinese cargo ship ang apat na mangingisdang Pilipino sa karagatan ng Palawan.

Dalawang araw nang palutang-lutang ang apat na Pinoy matapos mawasak ng bagyong “Glenda” ang kanilang bangka nang pumalaot nitong Hulyo 9.

Iniligtas ng MV Pacific Pioneer ang mga mangingisdang sina Antonio Bon, RJ Mojico, Jaymar Selin, at Marjohn Aballe.

Ayon kay Philippine Coast Guard Port State Control Commander Winchester Florentino, hindi alam ng mga mangingisda na sakay ng MBCA John na may paparating na bagyo nang pumalaot sila sa Mamburai, Occidental Mindoro.

Nawasak ang kanilang barko nitong kamalawa dahil sa lakas ng hangin at ulan dulot ni Glenda.

Inaasahang makauuwi ngayon sa Paluan, Occidental Mindoro ang mga nailigtas na mangingisda.

Show comments