Bunso pinatay ng kuya

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napatay ang 38-anyos na mister matapos pagbabarilin ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki sa Barangay Cabotonan, bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erwin Cabrera habang tumakas naman ang suspek na si Ernesto Cabrera, 42, kapwa magsasaka at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, patungong taniman ng gulay ang biktima kasama ang kanyang anak nang harangin ng suspek kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo kaugnay sa kanilang lupang sinasaka hanggang sa mauwi sa pamamaril. Nakatakbo naman ang anak ng biktima kung saan nasaksihan pa nito ang muling pamamaril ng kanyang tiyuhin sa sariling ama.

Show comments