Notoryus hired killer, arestado

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturong killer ng barangay chairwoman at retiradong opisyal ng Department of the Environment and Natural Resources sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay Antonino, bayan ng Balaoan, La Union kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Ronald “Onat” Omo, 27, hired killer at miyembro ng Ordinado Robbery-holdup Gang sa La Union.?Sa police report na nakarating kay La Union PNP director P/Senior Supt. Ramon Rafael, si Omo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni San Fernando City Regional Trial Court Judge Carlito Corpuz sa kasong pagpatay kay Chairwoman Thelma Bocalbos ng Calautit, Bacnotan noong 2013.Nahaharap din sa kasong murder si Omo sa pagpatay kay Ricardo Jucutan na isang retiradong kawani ng DENR sa San Fernando City noong Disyembre 2013.

Show comments