Lider ng gang itinumba sa panaderya

BULACAN , Philippines   â€“ Pinabulagta ang  18-anyos na lider ng notoryus na gang at sinasabing sangkot sa serye ng nakawan matapos itong pagbabarilin ng tatlong di-kilalang lalaki sa Barangay San Vicente, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital subalit namatay din ang biktimang si Geodel Cacho ng San Vicente Homes sa nabanggit na barangay at lider ng Tres Cantos Gang. 

Sa ulat ni PO3 Joey Cabarles, nakikipag-usap ang biktima sa kaibigang si Christian Quistorio sa harapan ng panaderya nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen.

Gayon pa man, hindi naman idinamay ang kausap ng biktima kung saan lumayo sa crime scene ang gunmen na animo’y walang naganap na pamamaril.

Sa record ng pulisya, nabatid na sangkot ang biktima sa serye ng nakawan sa nasabing bayan at may mga nakabimbing kasong kriminal sa iba’t ibang korte sa Malolos City.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong onsehan sa partihan ang isa motibo sa pamamaslang.

Show comments