_ngayon
^

Probinsiya

Sekyu utas sa paglalaro ng boga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natalo kay kamatayan ang isang security guard matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang nilalaro ang kanyang shotgun kagabi sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Nakilala ang biktimang si Roy Mangharal, 28, na nagtatrabaho para sa Tabunaway Warrior Security Agency at nakatalaga sa Camella Homes sa Barangay Tiguma, Pagadian City.

Sinabi ng tagapagsalita ng Police Regional Office 9 na si Senior Inspector Joseph Ortega, nakita ng isa pang security guard si Mangharal na nilalaro ang 12-gauge shotgun at itinutok sa ulo.

Napindot umano ng biktima ang gatilyo ng baril dahilan upang sumabog ang ulo nito at mamatay.

Narekober ng mga pulis ang shotgun na kargado pa ng limang bala.

Nakuha din ng mga awtoridad ang isang basyo ng bala at pito pang bala sa bulsa ng biktima.

Hindi pa rin iniisantabi ng mga pulis na baka may foul play sa insidente.

BARANGAY TIGUMA CAMELLA HOMES MANGHARAL NAKILALA NAKUHA PAGADIAN CITY POLICE REGIONAL OFFICE ROY MANGHARAL SENIOR INSPECTOR JOSEPH ORTEGA TABUNAWAY WARRIOR SECURITY AGENCY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with