Ex-drug pusher, itinumba

BULACAN, Philippines - – Pinabulagta ang 28-anyos na dating drug pusher matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Parulan, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon. Anim na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Arnie Naz Gonzaga ng Sitio Dike sa nasabing barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakatayo ang biktima sa waiting shed para sunduin ang kanyang kinakasamang babae nang lapitan at ratratin ng tandem. Nakatakbo pa ang biktima kahit sugatan subalit sinundan pa ito saka muling pinaputukan ng gunman. Nabatid na dating nagtutulak ng shabu ang biktima at dahil sa pakiusap ng ka-live-in ay huminto na ito. Pinaniniwalaang may kaugnayan ang naganap na pamamaslang sa dating trabaho ng biktima na sinasabing hindi nakapagremit ng perang pinagbentahan ng droga.

Show comments