Amo, tinodas ng maid

BATAAN, Philippines - – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 46-anyos na among babae ng kanyang kasambahay saka ninakaw noong Martes sa Taglesville Subdivision, Barangay San Jose sa Balanga City, Bataan. Kinilala ni P/Insp. Janice Piga, ang biktima na si Jocelyn Garcia Isidro, 46, habang pinagha­hanap naman ng pulisya ang suspek na si Elsa Rose Napingkit, 18, nakatira sa bayan ng Marilao, Bulacan. Sa imbistigasyon ng pulisya, inihabilin ng anak na lalaki ang biktima sa suspek at nang bumalik sa bahay ang anak ay natagpuang patay ang kanyang nanay. Nagkalat ang mga damit sa loob ng silid ng biktima kung saan tinangay ng suspek ang mga alahas, malaking halaga, ATM cards,  passport at bag ng biktima. Narekober sa crime scene ang kitchen knife at nilabhang damit sa palikuran. Sinasabing nakaramdam ang suspek na patatalsikin na siya bilang katulong ng amo dahil nahuling ninakaw nito ang pera ng girlfriend ng anak.

Show comments