Tinedyer pinatay sa sayawan

CAMARINES NORTE, Philippines -  Bulagta ang 18-anyos na tinedyer makaraang saksakin ng di-kilalang lalaki sa gitna ng sayawan sa plaza sa Barangay Canayonan, bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Tinambac Infirmary Hospital ang biktimang si Melchor Rodriguez ng Barangay Cawaynan. Nabatid na dumalo sa barangay dance fiesta ang biktima kung saan nakipagsayaw subalit nilapitan at pinagsasaksak ng di-kilalang lalaki na sinasabing nainggit sa kahusayang magsayaw ng biktima.

Show comments