Anak nirapido ng ama,patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Nirapido at napatay ang 43-anyos na anak na lalaki ng kanyang ama makaraan ang matinding pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pangalangan, San Carlos City sa Pangasinan kamaka­lawa. 
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roberto Benitez na nagtamo ng tama ng mga bala ng shotgun sa dibdib habang natutulog.
 Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Teofilo Benitez, 69, dala ang ginamit na sumpak sa krimen. Tuliro naman ang ina ng biktima na si Imelda Benitez  at hindi alam kung sasang-ayon ito sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kanyang mister. Pinaniniwalaang napikon ang suspek sa tinuran ng kanyang anak kaugnay sa problemang pampamilya.

Show comments