Cafgu patay sa ambush

File Photo

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Tinambangan at napatay ang 46-anyos na miyembro ng Citizens Armed Forces and Geographical Unit ng mga rebeldeng New People’s Army habang ito ay nagmomotorsiklo patungong kampo sa Barangay Pag-oring Nuevo sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Ramon Manzano na nakabase sa Sitio Dinumpilan sa detachment ng Phil. Army sa Barangay Malinao, bayan ng Libmanan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima patungong military detachment mula sa kanilang bahay nang ratratin ng mga rebelde pagsapit sa bahagi ng Sitio Binubon sa nasabing barangay.

 

Show comments