2 Cafgu nanita ng maingay, dinedo

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit makaraang pagbabarilin ng kabaro na sinasabing nag-amok sa kanilang detachment sa Barangay Consuelo, bayan  ng Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Renato Lopez, 47;  at Francis Gibalay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Jeffrey Abaio ng Trento, Agusan del Sur. 

 Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa 23rd Cafgu detachment sa nabanggit na barangay.

Nabatid na bago pamamaril ay nag-aaway ang suspek at ang ka-live-in nito kung saan nagsisigawan sa kanilang barracks kaya sinaway ni Lopez dahil sa nakabubulabog.

Sinaway din ni Gibalay at sinabihan ang suspek na tumigil na sa pakikipagsigawan dahil oras na para palitan siya nito sa duty sa gate ng kanilang detachment. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas sa barracks ang suspek saka  niratrat ang dalawa nitong kasamahang Cafgu.

 

Show comments