Karnaper sa Batanes, kalaboso

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nabahiran ng krimen ng kauna-unahang kaso ng carnapping ang tahimik na kapitolyo ng lalawigang isla ng Batanes matapos masakote ang nagnakaw ng motorsiklo sa bayan ng Basco, Batanes kamakalawa.
 Sa ulat na ipinarating ni Batanes PNP director P/Senior Supt. Edgardo Pamittan, inagaw ng suspek na si John Clyde Reyes, 22, ang motorsiklo ni Federico Tomas Jr. sa Barangay San Joaquin. 
Agad naman rumesponde ang mga operatiba ng pulisya kung saan nakipaghabulan ang suspek sa kahabaan ng national highway. Gayon pa man, nakorner ng pulisya si Reyes sa bahagi ng Abad Street sa Barangay Poblacion matapos itong bumangga sa isa pang motorsiklo na minamaneho ni Marlon De Leon.
 Kapwa isinugod ang dalawa sa pagamutan kasunod ng insidente subalit kinasuhan ng pulisya ang suspek.

Show comments