Nagtamin ng marijuana, dakma

CAVITE , Philippines   -  Rehas na bakal ang binagsakan  ng 39- anyos na mister makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pagtatanim ng puno ng marijuana sa kanyang bakuran sa Barangay Maderan, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Jay Navarra ng Congressional Road sa nabanggit na barangay. Ayon kay P01Jayson Feranil, inaresto ang suspek matapos madiskubre sa kanyang bakuran ang ilang puno ng marijuana matapos makatanggap ng impormasyon mula sa ilang residente. Naaktuhan ang suspek na dinidiligan nito ang mga punong marijuana.

 

Show comments