^

Mister inutas sa harap ng misis

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Patay ang isang mister matapos na pagbabarilin sa harapan ng kanyang misis ng hindi pa nakilalang riding-in- tandem na mga salarin sa naganap na karahasan sa Brgy. Mabato-Bato, Mandaon, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Bonifacio Claro, 39 taong gulang, may-asawa, fish vendor at residente ng Brgy. Maoli­ngan ng nasabing bayan.

Bandang alas-7 ng umaga­ habang ang biktima ay kaangkas ang kanyang misis dala ang mga ilalako nilang isda nang harangin at pagbabarilin ng riding-in- tandem na mga salarin sa nasabing lugar.

Nagtamo ng tama ng bala ng cal.45 pistol sa ulo at katawan ang biktima bunsod­ upang sumemplang ang motor­siklong minamaneho nito na ikinasugat din ng kanyang misis na si Marintes.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen at naglunsad na rin ng hot pursuit operations laban sa mga suspek.

 

BANDANG BONIFACIO CLARO BRGY KINILALA MABATO-BATO MANDAON MAOLI MARINTES MASBATE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with