Pulis grabe sa pamamaril

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang 36-anyos na bagitong pulis matapos na pagbabarilin ng  nag-iisang armadong lalaki sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si PO1 Al Muhajil ng Sitio Kapuk, Barangay Upper Calarian sa nasabing lungsod at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Pata, Sulu. Sa report na nakarating kay P/Senior Inspector Robert Ortega, PNP regional spokesman, nakatayo ang biktima sa bisinidad ng Flamingo Village sa nasabing barangay nang lapitan at ratratin ng suspek na tinukoy sa alyas Markhan na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

 

Show comments