80 bahay tinupok ng apoy

MANILA, Philippines - Umaabot sa 80 kabahayan ang tinupok ng apoy makaraang sumingaw ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na naganap na sunog sa residential area sa San Pedro City, Laguna noong Martes ng hapon. Sa ulat na nakarating kay San Pedro City PNP director P/Supt. Sergio Manacop, nagsimula ang sunog sa  Maharlika II UPSBS, Barangay San Antonio kung saan nasa 90 pamilya rin ang naapektuhan na kabahayan ng mga informal settler. Naapula naman ang apoy, dakong alas-8 ng gabi at wala namang iniulat na nasugatan at namatay.

 

Show comments