Pulis patay sa killer bus

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nagwakas ang pagiging pulis sa Camp Simeon Ola matapos itong salpukin ng pampasaherong bus kahapon ng umaga sa panulukan ng Barangay Bongalon at Barangay Busay sa bayan ng Daraga, Albay. Kinilala ang biktima na si PO1 Juan Lopez Tarozza, nakatalaga sa RPSB sa nasabing kampo at nakatira sa Catmon Street, Molave Road sa Barangay Liboton, Naga City.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus na si Armando Silares, 46, ng Sta. Cruz, Davao del Sur. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel Adan, hepe ng Daraga PNP, nagmomotorsiklo ang biktima patungong kampo nang salpukin ng PP Bus Line (USI-149) na menamaneho ni Silares.

Nabatid na patungong Maynila ang bus mula sa Davao City nang masalpok ang biktimang mula sa Naga City.

Show comments