Buntis ni-rape ng chief tanod

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Pinaghahanap ng mga operatiba ng pulista ang hepe ng mga barangay tanod kaugnay sa panghahalay sa 8-buwang buntis na inaanak nito sa kasal sa Barangay Turod, bayan ng Quezon, Isabela noong Semana Santa. Kinilala ni P/Senior Insp. Jhun-Jhun Balisi, hepe ng Quezon PNP ang suspek na si Melchor Baniaga na inireklamo ng 20-anyos niyang inaanak na itinago sa pangalang Remedios. 
Lumalabas sa imbestigasyon na nadatnan ng suspek ang biktimang buntis na umiihi sa sagingan noong Miyerkules Santo. Tinutukan ng baril ang biktima upang maisagawa ang maitim na balak ng suspek. 
Agad na ipinaalam ng biktima sa kanyang mister ang ginawang panghahalay sa kanya ng suspek.

 

Show comments