Trader tinodas ng akyat bahay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Hindi pinalampas ng anim na hinihinalang miyembro ng Akyat Bahay gang ang Semana Santa matapos na looban at paslangin ang isang rice trader nang manlaban sa Tumauini, Isabela noong Huwebes Santo.

Kinilala ni Chief Insp. Billy Mangali, hepe ng pulisya ng Tumauini ang biktima na si Elizer Calasag, 48 anyos.

Ang biktima ay dead-on- the-spot sa tinamong tama ng bala sa ulo matapos na pagbabarilin sa harapan ng misis nitong si Eliza, 41 sa loob ng kanilang masters bedroom.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Huwebes Santo ng gabi nang pasukin ng mga suspek ang tahanan ng mag-asawa  sa Brgy. Camasi, Tumaini ng lalawigang ito.

Pinaniniwalaan namang nanlaban ang nasabing mister kaya pinagbabaril ng mga suspek bago nag­sitakas tangay ang P200,000 cash. Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

 

Show comments