4 dakip sa magkakahiwalay na raid sa Pangasinan

MANILA, Philippines - Arestado ang apat na kataong hinihinalang mga tulak ng droga sa magkakahiwalay na raid ng mga awtoridad sa Pangasinan.

Nakilala ang mga suspek na sina Rolando Mabulay, Jumar Mabulay, Veronica Mabulay, at Sonia Gamalong na nasakote nitong Abril 10 sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Renato Pinlac ng San Carlos City Regional Trial Court branch 57.

Nabawi mula sa mga suspek ang 9mm Llama pistol, dalawang Nokia cellphone, 128 gramo ng shabu na na nagkakahalaga ng P832,000, at P91,300 na pera.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag  sa Article II ng Republic Act 9165,o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments