Bumbay sinalpok ng bus, patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Hindi na umabot ng Semana Santa ang 44-anyos na Bumbay makaraang salpukin sa likuran ang kanyang motorsiklo ng minibus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Cabaroan, bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa.  Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sukhdeb Singh ng Barangay Lingsat, San Fernando City habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus na si Jeffrey Sarangin. Luma­labas sa imbestigasyon na kapwa nag-overtake ang nagmomotorsiklong biktima at ang mini bus ni Sarangin, 29 sa sinusundang sasakyan. Gayon pa man, sinalpok ng bus ang likuran ng motorsiklo kaya tumilapon ang biktima ng ilang metro. Namatay ang biktima habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City.

Show comments