_ngayon
^

Amain kinatay ng 16-anyos anak

Ed Casulla at Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - -  Napatay ang isang amain makaraang pagtatagain ng16-anyos na anak na lalaki ng kanyang ka-live-in sa Barangay Camuning, bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodel Robles habang tumakas naman ang suspek na itinago sa pangalang Andy, 2nd year sa Jose De Villa High School sa nasabing bayan.

Lumilitaw na naganap ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi matapos sitahin ng biktima ang suspek na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Napahiya ang suspek sa mga kainuman sa tinuran ng biktima na pilit siyang pinauuwi dahil kapapanganak pa lamang ng kanyang ina.

Gayon pa man, nagalit ang suspek at pinagtataga ang biktima hanggang sa mapatay kung saan wala naman namagitan sa ginawa ng suspek kaya mabilis na nakatakas.

ANDY BARANGAY CAMUNING CALABANGA CAMARINES SUR GAYON JOSE DE VILLA HIGH SCHOOL KINILALA LUMILITAW NAPAHIYA RODEL ROBLES
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with