2 lola, 3 preso grumadweyt sa hayskul

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ Pinatunayan ng 72-anyos na lola na hindi hadlang ang edad para makamit ang diploma makaraan itong magtapos sa hayskul sa ilalim ng Alternative Learning System Program ng Department of Education sa Kidapawan City, North Cotabato.

Si Lola Ramona Abaratigue na isang opisyal ng Barangay Ginatilan kasama ang 100 pang mga graduate ay ginawaran ng gintong medalya bilang parangal sa kanila.

Maliban kay Lola Ramona, isa pang 61-anyos na lola ang graduate rin ng ALS.

Sa pahayag ni Lola Ramona sa mga kapwa niya may edad na mag-aral at huwag mahiya sa pagkuha ng diploma. Ang edukasyon, aniya, ang tanging bagay na hindi puwedeng nakawin sa isang tao.

Bukod sa  dalawang lola, graduate rin ng ALS ang tatlong preso kabilang na si Benjie Langalen na kahit nasa kulungan ay nag-aral at nakapagtapos sa na­sabing programa.

Mismong mga jailguard ng Cotabato Provincial Jail ang naghatid sa tatlong preso sa entablado para kunin ang kanilang diploma at medalya sa graduation rites na ginanap sa gymnasium ng Kidapawan City Pilot Elementary School noong Miyerkules ng hapon.

 

Show comments