CAVITE, Philippines - -Rehas na bakal ang binagsakan ng siyam-katao matapos salaÂkayin ang apat na bahay kung saan nasamsam ang P2.3 milyong halaga ng shabu at matataas na kalibre ng baril sa inilatag na operasÂyon ng mga awtoridad sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas, City, Cavite kamakalawa.
Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joselito Teodoro Esquivel Jr., kinilala ang mga may-ari ng bahay na sinalakay na sina Japar Onda, Andam Guro, Sandato Salam at si LaLawin Haji Salam. Arestado naman ang mga suspek na nasa bahay ni Lalawin na sina Makhamr Aktay, Alonganan Shiekalabi, Abdul Latie Alawiya, Aminola Untawar Makauraw, Mohammad Baranie Guro, Asima Jamil, Sittie Ainah Diangka at 2 iba pa.
Ang pagsalakay ay base sa apat na search warrant na inisyu nina Judge Agripino G. Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 32 sa Laguna at Judge Cynthia Marino Ricablanco ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 27, Laguna.
Nasamsam sa mga susÂpek ang isang sub-machine gun, cal 9mm pistol, mga bala ng baril, granada, 1-kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 200 gramo ng shabu, at assorted paraphernalias na nagkakahalaga ng P2.3 milyon.