Tanod inutas; kabaro nag-suicide

CAVITE , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa 53-anyos na bantay tanod matapos itong barilin ng kanyang kabarong tanod na nagbaril naman sa sarili dahil sa matinding alitan kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite. Kinilala ni P/Supt. Rommel Estolano ang biktima na si Eduardo Castañeda Nomata ng Barangay Habay sa nasabing lungsod. Nagbaril naman sa ulo si Edwin De Los Reyes De Julian, 47, ng Captain Drive, Palo Alto sa nabanggit ding lugar. Base sa police report, nagkainitan ang dalawa na humantong sa pagkapikon ni Edwin kaya binaril nito si Eduardo habang nakatalikod. Nang bumulagta si Eduardo ay nagbaril naman sa ulo si Edwin gamit ang ca. 45 pistol.

 

Show comments