Ex-councilor, nag-suicide

SOUTH COTABATO , Philippines   â€“ Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang dating councilor at municipal administrator matapos itong magbaril sa sintido sa bayan ng Surallah, South Cotabato noong Sabado ng hapon. Ayon kay P/Supt. Benito Siron Jr, hepe ng Surallah PNP, natagpuan ang duguang katawan ni Jorge Bautista sa loob ng sasakyan nitong Starex van na nakaparada sa panulukan ng Rosal-Aguinaldo Street sa Barangay Zone II-B. May tama ito ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo na tumagos sa kanan. Isinailalim na rin sa paraffin test ang biktima upang malaman kung ito ang nagpa­putok ng baril sa nakuha sa kanyang sasakyan. Sinisilip din ng pulisya  ang mga anggulong may posibilidad ding may bumaril sa biktima na nakatira sa Villanueva Plains sa Barangay Libertad.

 

Show comments