Duterte: P100K pabuya sa nawawalang cocaine

Davao City Mayor Rodrigo Duterte

MANILA, Philippines — Nag-alok si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng pabuyang P100,000 kapalit ng impormasyon sa bawat isang nawawalang 13 pakete ng cocaine.

Sinabi ni Duterte ngayong Martes na hindi kakasuhan ang sinumang magbabalik ng ilegal na droga.

Mayroong 64 na pakete ng cocaine ang ipinuslit sa lungsod ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11 ngunit tanging 51 lamang nag narekober.

Nasabat ang ilegal na droga sa kisame ng isang sagingan na tinakluban ng styrofoam.

Tinatayang aabot sa P300 milyon ang halaga ng droga.

Show comments