College stude dedo sa kuryente

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Patay ang 20-anyos na college student makaraang makuryente sa talop na linya ng electric fan sa kanilang bahay sa Barangay Mayapyap Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Biyernes ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital ang biktimang si Jobel Salonga y Payumo, 4th year college student at nakatira sa Purok Ilang-Ilang sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, napag-alaman ni PO2 Jessie Fernando, bandang ala-una ng hapon nang i-plug ng biktima ang kordon ng electric fan sa kanilang bahay kung saan ito nakuryente matapos mapahawak sa talop na linya ng kordon.

 

Show comments