1 todas sa road mishap

BULACAN, Philippines — Isa ang nasawi habang nasa kritikal namang  kondisyon ang isa pa makaraang aksidenteng magbanggaan ang motorsiklo ng mga ito sa Brgy. Bulitan, San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Pengson, 21, empleyado, residente ng Brgy. San Juan ng bayang ito. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa paga­mutan ang sugatang nakabanggaan nito na si Alex Bunag, 37-anyos. Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Richard Butic, dakong alas-8 ng gabi habang bumabagtas ang Kawasaki Rouser (1514JT) ni Pengson patungo sa Brgy. Buliran Proper ng makabanggaan ang motorsiklong Raca 100 (6332-XC) na minamaneho naman ni Bunag.

Show comments