3 bulagta sa shootout

BULACAN, Philippines - – Tatlo-katao ang napatay habang da­lawa naman ang naaresto matapos isagawa ang operas­yon laban sa mga wanted person sa Barangay Yakal, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga napatay ay sina Winston “Tronix” Paramio, Enrique Vinuya, at si Jefferson Gabriel na pawang nakatira sa Barangay Yakal sa nasabing lungsod.

Arestado naman sina Leslyn Solayao at Juhara Gonzales na kapwa nakatira sa Francisco Homes Subd. sa Brgy. Narra.

Base sa ulat ng pulisya, isisilbi sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Wilfredo Nieves ng San Jose Del Monte City Regional Trial Court Branch 84 kay Paramio sa kasong  illegal possesion of firearms nang pagbabarilin  nina Vinuya at Gabriel ang mga tauhan ng pulisya.

Sinamantala naman ni Paramio ang pagkakataon para tumakas at magtago sa bahay ng kanyang ama subalit natunton din ng mga operatiba ng pulisya kung saan nauwi sa shootout na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Maging ang ama ni Wins­ton na si Ernesto Paramio ay inisyuhan ng search warrant na ipinalabas ni Judge Richard Aradeza ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 72.

Nasamsam sa bahay ni Ernesto ang apat na sachet ng shabu at mga drug paraphenalias, cal.38 revolver, cal .45 pistol at fragmentation granade.

Show comments