Lola nag-suicide dahil sa mga apo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Dinamdam ng 58-anyos na lola ang matinding away ng kanyang mga apo kaya nagdesisyong magbigti sa punungkahoy sa Barangay Zitanga, bayan ng Ballesteros, Cagayan kamakalawa. Sinikap na maisalba ang buhay ng biktimang si Rosita Cacaluan subalit namatay din sa Ballesteros District Hospital. Sa ulat ni PO2 Eduardo Serrano, nagkaroon ng pag aaway ang mga apo ng biktima kaya nabalisa ito at ipinaabot sa kanyang mister na si Cesario ang problema. Gayon pa man, hindi pinansin ng lolo ang problema ng biktima at sa halip ay nagtungo ito sa bukirin. Nagulat na lamang si Cesario nang madatnang  nakalumbitin na ang kanyang misis sa punungkahoy.

Show comments