13 sugatan sa banggaan ng trak at bus sa NLEX

MANILA, Philippines – Masikip na daloy ng trapiko ang bumungad sa mga bumabagtas ng North Luzon Expressway matapos banggain ng isang cargo truck ang isang pampasaherong bus ngayong Lunes ng umaga.

Labing-tatlo ang sugatan sa insidente, 10 dito ay pawang mga pasahero ng Victory Liner bus, habang ang tatlo ay mga sakay ng trak na may kargang sibuyas.

Base sa pangunang imbestigasyon, binangga ng truck ang likuran ng Victory Liner bus sa southbound lane ng NLEX na sakop ng bayan ng Pulilan, Bulacan.

Umabot sa tatlong kilometro ang pagsisikip ng trapiko dahil sa insidente na karamihan ay patungo ng Maynila.

Show comments