Kawani ng mall utas sa bike

CAVITE , Philippines   - Patay ang 23-anyos na kawani ng mall matapos mag-crash ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Paligawan, bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Naisugod pa sa Velasco Hospital subalit idineklarang patay si Jerry Ameng Ruiz ng Barangay Pulong Saging sa nasabing bayan. Ayon kay SP01 Eric Ambojia, kagagaling lang ng biktima sa birthday party ng kanyang kaibigang si John Carlo Alcaraz nang makasalubong si kamatayan. Pinaniniwalaang lango sa alak ang biktima kaya nawalan ng kontrol sa motorsiklong hiniram lamang sa kaibigan at tuluyang nag-crash sa nasabing highway.

Show comments