Driver pinabulagta ng sekyu

BULACAN , Philippines   - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 54-anyos na driver matapos barilin ng security guard na kaniyang nakaalitan sa Barangay Pajo, Mey­cauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Montefalco General Hospital ang biktimang si Ponciano Bismonte ng Bargos Compound sa Barangay Camalig sa nasabing lungsod. Samantala, sumuko naman ang suspek na si Aldie Terrado, 32, ng Barangay Camalig at nakatalaga sa MJSP Power V Refilling Station na pag-aari ni Brgy. Chairman Bogs Violago. Sa imbestigasyon ni SPO1 Michael Sarangaya, lumilitaw na nagkapikunan ang dalawa  sa bisinidad ng refil­ling station kung saan nauwi sa pamamaril ng suspek.

Show comments