High school stude, nag-suicide

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Education (DepEd)-Cebu City Division ang pagpapakamatay ng isang high school graduating student  sa loob ng kanilang bahay noong nakalipas na linggo.

Pinabulaanan naman ni DepEd Cebu City Division School Supt. Rhea Mar Angtud ang lumabas na ulat na nag-suicde ang biktima dahil sa mababang grado sa eskuwelahan.

Ayon pa kay Angtud na nakiusap ang mga magulang na respetuhin ang pribadong buhay ng kanilang pamilya na hindi ihayag sa publiko ang pangalan ng biktma na sinasabing mag-aaral sa Cebu City Science High School.

Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay namatay sa suffocation matapos nitong lagyan ng plastic bag ang kanyang ulo para hindi makahinga.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa kanilang bahay kung saan kaagad na isinailalim sa cremation.

Kinumpirma rin ni Cebu City Science High School Principal Marites Petiño  na ang biktima ay graduating student.

Nabatid na nag-iwan ng recorded video message  ang biktima sa kanyang cellphone kung saan nakasaad ang rason ng pagpapakamatay at humihingi ito ng paumanhin sa kanyang pamilya.

Nakasaad pa sa video message na nagpakamatay ang biktima dahil ito ang best solution sa problema ng kanyang pamilya.

Show comments