Pasahero tumalon mula sa Roro vessel

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang naburyong ang 27-anyos na lalaki matapos itong tuma­lon mula sa sinasakyang barko na naglalayag sa ka­ragatan ng Romblon kamakalawa.

Sa ulat  na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa pagitan ng Carabao Island ng mainland ng Romblon.

Kinilala ang nasabing pasahero na si Adonis Rocio ng Quezon City na kabilang sa mga pasahero ng Roro vessel na Starlite Atlantic na patungo sa Catic­lan, Malay, Aklan.

Nabatid na ang biktima ay namataang nakatulala at nakatingin sa malayo habang nasa tabi ng baran­dilya ng  barko.

Laking gulat naman ng mga pasahero matapos na biglang tumalon ang biktima na halos may dalawang oras ding hinanap ng mga tripulante ng barko pero nabigong matagpuan.

Patuloy naman ang search operations ng pang­kat ng Philippine Coast Guard.

Show comments